^

Probinsiya

Bangka na walang katig lumubog: 16 nasagip

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bangka na walang katig lumubog: 16 nasagip
Sa tinanggap na report ng PCG, nabatid kay Commodore Armand Balilo na galing ang bangka sa Port of Pasacao sa Camarines Sur at papunta sana ng coastal sa barangay ng San Jose nang salubungin ng malalakas na hampas ng alon, hangin at ulan kaya pinasok ng tubig sanhi ng paglubog nito, may 3-nautical miles ang layo sa Burias Island, dakong alas-4:30 ng madaling araw. Kasamang lumubog ang mga sako ng bigas at animal feeds na karga ng bangka.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 16 katao kabilang ang tatlong bata matapos lumubog ang kanilang sinasakyang bangka na walang katig sa Ragay Gulf sa bahagi ng San Pascual, Burias Island, Masbate, kahapon ng madaling araw.

Sa tinanggap na report ng PCG, nabatid kay Commodore Armand Balilo na galing ang bangka sa Port of Pasacao sa Camarines Sur at papunta sana ng coastal sa barangay ng San Jose nang salubungin ng malalakas na hampas ng alon, hangin at ulan kaya pinasok ng tubig sanhi ng paglubog nito, may 3-nautical miles ang layo sa Burias Island, dakong alas-4:30 ng madaling araw. Kasamang lumubog ang mga sako ng bigas at animal feeds na karga ng bangka.

May napadaan namang mangingisda at naispatan ang mga lumulutang na tao kaya unang nailigtas ang tatlong bata at agad silang nakahingi ng tulong sa PCG at lokal na pamahalaan.

Rumesponde agad ang PCG rescue team nang matanggap ang distress call pero inabot pa ng mahigit tatlong oras na nagpa­lutang-lutang sa dagat ang mga pasahero ng bangka bago sila tuluyang nasagip.

“Hindi po yun nagpaalam sa Pasacao sir kasi gabi pa po sila umalis doon. Ipinagbabawal po namin ang paglayag sa mga banca ng gabi,” paliwanag naman ni Petty Officer 2nd Class Donald Canoy ng PCG San Pascual.

Matapos na mag-almusal kasama si Mayor Zacarina Lazaro, inalalayan ang mga survivor ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na makauwi sa kani-kanilang bahay.

PCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with