^

Probinsiya

4 pang patay sa lindol nahukay sa Abra - NDRRMC  

Joy Cantos, Angie dela Cruz, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
4 pang patay sa lindol nahukay sa Abra - NDRRMC   
Inilagay sa mga body bags ang apat na bangkay na nahukay ng mga rescuers sa landslide area ng Sitio Bangel sa Brgy. Poblacion, Luba, Abra dulot ng magnitude 7 na lindol, kamakalawa ng hapon. (Kuha ni Artemio Dumlao)
STAR/ File

Death toll pumalo na sa 10

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na apat pang bangkay ang nakuhay sa landslide dulot ng magnitude 7.3 na lindol sahi upang umakyat na sa 10 katao death toll sa norte.

Sa report ng Cordillera Police, ayon kay NDRRMC Spokesman Mark Timbal, nahukay na ang mga bangkay ng apat na nawawala sa landslide area ng Sitio Bangel sa Brgy. Poblacion, Luba, Abra bandang alas-4 ng hapon kamakalawa. Sila ay nakilalang sina Mar Barreyro, 38, foreman ng Luba, Abra;  construction workers na sina Louie Dining, 21-anyos;  Jack Gamengan, 17, at ang 15-anyos na si Angelo Badi; pawang taga-Manabo, Abra.

Naitala naman sa 19,486 pamilya  na may katumbas na 79,260 katao ang naapektuhan ng lindol sa 246 mga barangay sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ayon sa NDRRMC, nasa kabuuang 1,583 na kabahayan ang nasira ng lindol kung saan 1,535 dito bahagyang nawasak at 48 naman ang tuluyang nasira sa Ilocos at CAR.

Sa pagtaya ng NDRRMC, nasa P48.3 milyon naman ang halaga ng pinsala na naiulat sa Ilocos, Cagayan at Cordillera CAR sa malakas na lindol na yumanig sa Northern Luzon. Naitala naman sa P396.58 milyon ang inisyal na pinsala sa mga tulay at mga kalsada base sa pagtaya ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Umaabot sa 1,375 ang aftershocks ng malakas na lindol sa norte ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado.

Sa nasabing bilang, 387 dito ay plotted o seismic events na naitala sa tatlo o higit pang earthquake monitoring stations ng Phivolcs. Ang mga aftershocks ay nasa pagitan ng  1.5 magnitude hanggang 5.0 magnitude.

­

NDRRMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with