Army reservists sumabak sa evac ops sa flashfloods sa South Cotabato
MANILA, Philippines — Sumabak na pagresonde ang mga reservists ng Philippine Army matapos silang imobilisa para sa Humanitarian Assistance Disaster Relief (HADR) operations sa mga pamilyang naapektuhan ng flashfloods sa Brgy. Esperanza, Koronadal City, South Cotabato.
Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, spokesman ng Philippine Army, pinakilos ni Army chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., ang mga Army reservists mula sa 1204th Ready Reserve Infantry Battalion ng 12th Regional Community Defense Group, Reserve Command para tulungan ang mga apektadong residente sa naturang lugar.
Sinabi ng opisyal, agad na tumulong ang mga Army reservists at iba pang responders ng lokal na pamahalaan na ilikas ang mga apektadong pamilya sa ligtas na lugar matapos ang pagragasa ng tubig baha sa mga mababang lugar sa lungsod.
Nabatid na simula pa nitong Hulyo 28 ay dumaranas na ng mga pagbaha ang mga residente sa lugar sanhi ng malalakas na pag-ulan.
Dagdag pahirap sa mga residente nang muling bumuhos ang walang humpay na pag-ulan kamakalawa sanhi ng pagtaas ng tubig baha bunsod upang agad na isagawa ang HADR operations sa lugar.
- Latest