MANILA, Philippines — Umaabot sa P8.5 milyong halaga shabu ang nakumpiska ng anti-drug operatives ng pulisya matapos masakote ang dalawang pinaghihinalaang notoryus na drug pushers sa buy-bust operation sa Cebu nitong Biyernes.
Sa report ni Police Regional Office-Central Visayas (PRO7) Director P/Brig. Gen. Roque Eduardo Vega, dakong alas-10 ng gabi nang masakote ang unang target sa buy-bust operation sa Brgy. Tangke, Talisay City, Cebu na si Jedy Selitorio na nahulihan ng 230 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P1.5-milyon.
Sa isa pang operasyon sa Cebu City, sumunod namang nasakote ang suspek na si Archie Diano Lanojan, 42, ng Brgy. Ermita sa nasabing lungsod.
Nakumpiska mula kay Lanojan ang bulto ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.9-M halaga ng shabu.
Ayon sa pulisya, si Lanojan ay isang high value target (HVT) ng pulisya at kabilang sa regional level drug watchlist.