Kelot na ikakasal na sana utas sa diarrhea 'outbreak' sa Davao
MANILA, Philippines — Ikakasal na sana ang isang 36-anyos na lalaki mula Toril, Davao nang biglang masawi dahil sa diarrhea.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News na inilabas, Huwebes, ika-5 na ang lalaki sa nasawi sa naturang probinsya dahil sa outbreak doon ng naturang kondisyon.
Ika-15 ng Hulyo nang maramdaman ng lalaki ang sintomas ng diarrhea matapos kumain sa isang street food stall. Hindi na raw siya nagsabi sa kanyang live-in partner na may dinaramdam na.
Nagtungo pa ang magsing-irog sa simbahan noong ika-22 ng Hulyo upang magbayad para sa kanilang kasal ngunit matapos nito'y isinugod ang lalaki sa ospital kung saan ilang oras lang ang nakalipas ay binawian na siya ng buhay.
Batay sa findings ng city health office ng naturang probinsya, malubhang dehydration at massive loss of electrolytes ang ikinamatay ng lalaki.
Kasalukuyan pang hinihintay ang resulta ng isinagawang water analysis sa lalaki para ipresenta sa alkalde ng lungsod bago ito ilabas ng city health office sa publiko
Samantala, kasalukuyan namang may tinututukang pasyente ng diarrhea sa Southern Philippines Medical Center na nasa kritikal ang kondisyon. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles
- Latest