Tulay sa Cavite bumigay, 1 patay, 7 nawawala

Isa sa gusali sa lalawigan ng Abra na gumuho dahll sa lindol.

MANILA, Philippines — Isa ang nasawi habang pitong katao pa ang pinaghaha­nap matapos bumigay ang isang tulay sa tabing-ilog, Sitio ­Talisayan, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, ­kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Michael Pamel Beltran,17; Habang pinaghahanap pa ang pitong kabataan na bumagsak sa ilog.

Nakaligtas naman sina Jeralden Pacia, 16; Lyka Briones, 18;  na nasugatan at dinala sa  Pagamutan ng Dasmariñas; Lester Neri, 16: Generos Pacia, 16; ­Danica Uy, 12.

Batay sa ulat, bago naganap ang insidente, alas-9:00 ng gabi ay nagkayayaan ang mga biktima na pawang magkakaibigan na pumunta sa tulay at ­muling gumawa ng video para sa kanilang Tiktok.

Nabatid na nakagawian na ng magkakaibigan ang gumawa ng iba’t ibang video sa tulay na kanilang ina-upload sa kani-kanilang Facebook.

Habang nasa kalagitnaan ng paggawa ng video ay bigla na lang gumuho ang ­nasabing tulay at natabunan ang mga biktima.

Patuloy ang isinasagawang rescue operation sa 7 pang kabataan na pawang mga natabunan ng bumagsak na tulay. — Ed Amoroso

Show comments