^

Probinsiya

1 patay sa lindol sa Benguet

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
1 patay sa lindol sa Benguet
Ang gumuhong gusali sa La Trinidad,Benguet dahil sa lindol.
BFP-Benguet

MANILA, Philippines — Isang katao ang nasawi sa La Trinidad, Benguet sa pagtama ng malakas na lindol sa hilagang bahagi ng bansa na ang epicenter ay sa Abra.

Ito ang iniulat ni Lone District Benguet Rep. Eric Go Yap, ang malakas na lindol ay nakaapekto sa ­malaking bahagi ng Cordillera Region kabilang ang Benguet.

Sinabi ni Yap na sa Buguias, nasa 19 ­pasyente ang inilikas sa Northern Benguet District Hospital kung saan sa kasalukuyan ay sinusuri ang pinsala sa imprastraktura ng hospital gayundin ang mga kagamitan dito.

Ayon kay Yap bunga ng malakas na lindol ay maraming mga national at local roads sa lalawigan ang ­idineklarang ‘not passable’ o hindi muna pinadaraanan para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista.

Anya, tinatayang tatagal ng dalawang linggo para sa clearing operations sa nasabing mga lugar kung saan magpapahirap ito sa mga komunidad.

BENGUET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with