^

Probinsiya

Patay sa Cordillera earthquake umakyat sa 4, sugatan nasa 60 na

James Relativo - Philstar.com
Patay sa Cordillera earthquake umakyat sa 4, sugatan nasa 60 na
Makikita sa larangang ito kung paano maipit hanggang mamatay ang isang lalaki sa La Trinidad, Buenget matapos ang magnitude 7 na lindol, ika-27 ng Hulyo, 2022
Released / Benguet Rep. Eric Go Yap

MANILA, Philippines (Updated 2:55 p.m.) — Lalong dumami ang bilang ng kumpirmadong patay at sugatan dahil sa sari-saring pagguho ng lupa at pagbagsak ng mga istruktura bunsod ng magnitude 7.0 na lindol na naka-focus sa epicenter ng Tayum, Abra ngayong Miyerkules.

Ito ang ibinahagi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. sa isang press briefing kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

"Sixty injured and so far po apat po ang nabalitaang nasawian ng buhay. Four deaths,"

"Of these four, two are in Benguet, one each in Abra and [Mountain Province]... Pagguho po [ng lupa ang dahilan], opo."

Una nang naibalita na isang construction worker mula sa La Trinidad, Benguet ang isa sa mga namatay, matapos mabagsakan ng debris.

 

Sinasabing 44 sa mga sugatan ang nanggaling mula sa Abra.

Narito ang sinasabing pinsala sa Cordillera Administrative Region (CAR) sa ngayon:

- municipal roads (29)
- mga tulay sa Abra (3)
- gusali (173)

Nakapagtala naman ng 53 landslides sa ngayon, karamihan dito nangyari rin sa probinsya ng Abra (33). 

"Naka-deploy po ang mga kapulisiyahan at mga bumbero po at mga disaster risk [officers] po ng mga [local government units] po sa mga lugar na ito," dagdag pa ni Abalos.

Meron na ring damage na naitala sa probinsya ng Ilocos Sur. Ayon kay Sen. Imee Marcos, napinsala na rin ng naturang lindol ang bell towers sa Bantay, Laoag at Sarrat.

Ilang heritage houses din ang sinasabing gumuho kasama ang ilang istruktura sa Kennon, Paraiso, Pagudpud, Ilocos Norte at Apayao.

Makikita namang wasak-wasak ang ilang mga bahay at establisyamentong ito sa probinsya ng Abra. Ang ilang istruktura, halos humiga na.

Kanina lang nang palikasin ang mga nagtratrabaho sa Senado sa Pasay kaugnay ng lindol, matapos itong maramdaman din sa Metro Manila.

Sa kabila nito, wala pa namang mapaminsalang tsumani threat kaugnay ng naturang paglindol batay sa available na datos mula sa Phivolcs.

Una nang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mobilization ng rescue at reflief teams matapos ang lindol.

"The president is presently coordinating with the NDRRMC and the [Department of Social Welfare and Development," ani Angeles sa isang pahayag.

"He has ordered and immediate dispatch of rescue and relief teams to Abra."

Sinasabing personal na lilipad si Bongbong patungo sa Abra oras na mabigyan na ng clearance.  — may mga ulat mula kay Xave Gregorio

ABRA

BENGUET

EARTHQUAKE

NDRRMC

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with