^

Probinsiya

Pulis-Cagayan nanampal ng 2 obrero, kinasuhan

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Sinampahan ng kaso ang isang pulis na nanampal ng dalawang construction worker makaraang tanggihan umano siya sa alok na sigarilyo sa Barangay Centro 2 Sta Praxedes, Cagayan.

Pormal nang isinampa ang 2-counts ng “slander by deed” laban kay Police Corporal Eufrecino Javier Jr. sa Provincial Prosecutor’s Office sa Sanchez Mira, Cagayan na naitala sa NPS Nos. II-2SM-INQ-22G-00038 at 00039, subalit pansamantalang pinalaya matapos itong makapaglagak ng piyansang P36,000.

Ayon kay Cagayan Police director Col. Renell Sabaldica, hindi nila kailanman kukunsintihin ang maling gawain ng kahit ng sinumang miyembro ng pulisya at nagbigay katiyakang hindi magpapabaya ang Cagayan Police sa sinumpaan nitong tungkuling maglingkod at protektahan ang mga mamamayan.

Matatandaan na ika-20 ng Hulyo 2022 dakong alas-5:30 ng hapon nang sampalin umano ng suspek ang mga biktimang sina Fidel Oroceo at Johnie Balanay matapos mapikon nang tanggihan umano siya ng isa sa mga biktima sa alok na sigarilyo.

Ipinasakamay na si Javier sa Provincial Head­quarters ng Caga­yan upang harapin ang kanyang kasong kriminal maliban sa kasong administratibo.

CONSTRUCTION WORKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with