3 sekyu, 1 pa arestado sa droga

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina Marlon Carangalan, 58; Arnel Fernandez, 48; Cathe­rine Perdinia, 39, kapwa mga security guard; at Joven Pering, 36, pawang mga residente ng Cavite City.
STAR/File

CAVITE CITY, Cavite, Philippines — Tatlong sekyu kabilang ang isang babae ang naaresto sa isang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa mg hapon sa Brgy 53-M ng lungsod na ito.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina Marlon Carangalan, 58; Arnel Fernandez, 48; Cathe­rine Perdinia, 39, kapwa mga security guard; at Joven Pering, 36, pawang mga residente ng Cavite City.

Sa ulat ni PCpl Jumar Bedural, alas-5:31 ng hapon nang ilatag ng DEU Operatives ng Cavite CPS ang buy-bust laban sa mga suspek na kung saan ay ina­resto ang mga ito nang tanggapin ang pera sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Narekober sa mga ito ang 5 piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng mga shabu na aabot sa 1.06 gramo na may halagang P7,208.00.

Nakuhanan din ang mga ito ng mga drug paraphernalias at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Show comments