2 taga-Quezon, hinirang na ‘Outstanding Teacher’ ng DepEd

Nakopo ni Teacher Roxanne Faye Estuita ng Lucena City East VIII ang “Outstanding Teacher “para sa Elementary Category habang si Michael Leonard Lubiano ng Buenaventura Alandy National High School, Tayabas City ang nakakuha ng Outstanding Teacher for Secondary Category.
AFP/FIle

LUCENA CITY, Philippines — Nag-uwi ng karangalan ang dalawang gurong Quezonian sa 2021 Ca­labarzon Gawad Patnugot Outstanding Teacher for Elementary and Se­condary na ginanap sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex, Sta. Rosa City, Laguna, kamakalawa.

Nakopo ni Teacher Roxanne Faye Estuita ng Lucena City East VIII ang “Outstanding Teacher “para sa Elementary Category habang si Michael Leonard Lubiano ng Buenaventura Alandy National High School, Tayabas City ang nakakuha ng Outstanding Teacher for Secondary Category.

Ang pagkilala ay may temang “Kahusayan, Kalidad, at Kultura: Pagkislap ng Pag-asa at Tagumpay sa Kabila ng Pandemya.”

Ang Gawad Patnugot ay isang programa ng Department of Education (DepEd) Region IV-A na kumikilala sa husay ng mga opisyal, mga paaralan, at mga guro sa kagawaran.

Show comments