MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ng isang koalisyon ng mga manggagawa ang naganap na pagguho ng isang malaking pader sa Tagaytay City, Cavite kamakalawa na ikinasawi ng anim na obrero.
Agad na hiniling ni Atty. Sonny Matula, chairperson ng Nagkaisa Labor Coalition sa Department of Labor and Employment (DOLE) na imbestigahan ang insidente dahil may kinalaman ito sa trabaho.
“It was reported that one worker is confirmed dead while five others are buried after a wall collapsed in Tagaytay City in Cavite province yesterday evening,” ani Matula kung saan agad namang nagsagawa ng search and retrieval operations sa iba pang mga biktima sa nasabing lugar.
“Nagkaisa is asking newly minted Secretary Bienvenido Laguesma or his DOLE Regional Director of Region 4A to conduct investigation and impose administrative penalties if the workers’ employer is found to have violated the new safety and health law,” pahayag ni Matula .
Sa impormasyong nakalap ni Matula kay Tagaytay City Police Chief P/Lt. Colonel Norman Rañon, walo ang biktima sa insidente kung saan anim dito ang nasawi.
“Employers are mandated to comply with Occupational Safety and Health Standards. Nagkaisa likewise urges employers to establish Occupational Safety and Health Committees with workers’ representation in all workplaces as mandated by law,” ayon pa kay Matula.