Senior na wanted sa ‘rape’ arestado

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Nalambat ng mga otoridad ang isang senior citizen na wanted sa patung-patong na kasong rape sa bayang ito, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Edilberto Guerrero alyas “ Lolo Roberto,” 64-anyos at residente ng Barangay Poblacion.

Ayon sa ulat ni P/Master Sgt. Mark Lemuel Alvarez, may hawak ng kaso., dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Patria Angela Cataquiz-Fidel ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 16 ng Sariaya, Quezon kaugnay sa tatlong bilang ng kasong panggagahasa na isinampa laban sa kanya.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ni Lolo Roberto na ngayon ay nakapiit sa costudial facility ng Candelaria Municipal Police Station.

Show comments