MANILA, Philippines — Nakuhanan sa CCTV ang pagsagasa ng isang Ceres Bus sa mga pasaherong naghihintay at nakaupo sa termninal terminal sa Dumaguete City, Negros Oriental, Martes ng hapon.
Makikita sa CCTV footage na may mga pasaherong nakaupo at naghihintay sa waiting area nang walang anu ano’y sinalpok dire-diretso ang mga nabanggit at tsaka pa lang tumigil.
Sa kuha ng isang pasaherong si Jeka Dela Cerna, makikitang pinagtutulungan ng iba pang pasahero na itulak ang bus upang makuha sa pagkakaipit ang ilang pasaherong nasalpok ng bus.
Ayon sa ulat ng GMA News, walang nagtamo ng malubhang pinsala ngunit tatlong menor de edad ang sugatan na pawang mga residente ng Minglanilla, Cebu.
Nakilala ang driver ng bus na si Joebie J. Lajot, 43-anyos na nasa kostudiya na ng pulisya.
Sa ngayon iniimbestigahan na ng mga pulisya kung human o mechanical error ang sanhi ng aksidente. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan