Bulkang Kanlaon patuloy sa pag-aalburoto

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aalburoto ng Mt. Kanloan sa Negros matapos makapagtala ito ng 21 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagluwa rin at nakapagtala ang Bulkang Kanlaon ng asupre na umaabot ng 151 tonelada sa isang araw.
Bagama’t walang plume na namonitor sa bulkan, kinakitaan naman ito ng bahagyang pamamaga.
Nananatiling nasa alert level 1 ang status sa bulkan kaya patuloy na pinagbabawal sa mga tao na pumasok sa loob ng apat na kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ).
Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang magpalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan dulot ng inaasahang biglaang phreatic explosions o pagputok ng steam.
- Latest