5 lugar positibo sa red tide, shellfish bawal kainin – BFAR

Anang BFAR, kabilang sa mga naturang lugar na natuklasang kontaminado ng paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lampas sa regulatory limit hanggang noong Hunyo 30, ay ang coastal waters ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at Lia­nga Bay sa Surigao del Sur.
STAR/File

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may limang lugar sa bansa ang nadiskubreng positibo sa nakalalasong red tide na lampas sa itinatakdang regulatory limit.

Anang BFAR, kabilang sa mga naturang lugar na natuklasang kontaminado ng paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide na lampas sa regulatory limit hanggang noong Hunyo 30, ay ang coastal waters ng Milagros sa Masbate; coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at Lia­nga Bay sa Surigao del Sur.

Kaugnay nito, pinayuhan din ng BFAR ang publiko na huwag munang mangolekta o kumain ng mga shellfish at alamang na magmumula sa mga naturang lugar dahil ang mga ito’y hindi ligtas para sa human consumption at maaaring magresulta sa pagkalason at pagkamatay.

Samantala, ligtas naman umanong kainin ang mga isda, pusit, hipon at mga alimasag na mahuhuli sa mga naturang katubigan, ngunit kaila­ngang ang mga ito ay sariwa at nahugasang mabuti.

Dapat din umanong alisin ang mga hasang at bituka ng mga naturang lamang-dagat bago lutuing mabuti at kainin.

Show comments