^

Probinsiya

Habilin ni lolo, tinupad ng apo: Abogado naging mayor ng bayan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

LAUR, Nueva Ecija, Philippines — Tinupad ng isang abogado ang habilin ng isang lolo na nasa banig ng karamdaman na maging isang punong bayan at sundan ang legasiya na iniwan nito matapos pamunuan ang bayan ng 14 na taon.

Hindi binigo ni Laur Mayor Atty. Christopher “Tupe” Daus, ang huling habilin ng namayapa niyang lolo na si da­ting Laur Mayor Gabriel Daus na maging pinuno ng kanilang bayan, sa edad na 43.

“Apo, hindi na ako magtatagal pa sa mundong ito, gusto ko makapagtapos ka ng iyong pag-aaral at sundan mo ang na­ging yapak ko,” ito umano ang huling habilin ni lolo Gabriel habang nasa isang pagamutan sa Cabana­tuan City sa kaniyang apo na si Tupe, na 15-anyos pa lamang noong taong 1994 at isang high school seminarian sa Maria Assumpta Seminary.

Ito ang sikretong ngayon lang ibinida sa publiko ng abogadong alkalde na itinaon niya sa kanyang panunumpa ng tungkulin sa bayan na ginanap sa Laur Central Elementary School na sinaksihan ng libu-libo nitong kababayan.

Kasamang nanumpa si Atty. Daus bilang ma­yor at apat na nanalong konsehal ng bayan na sina Christopher Bryan Bayro, Niko Gabriel at re-electionist na sina Marina Padilla at Raymundo Lulunan sa harap ni RTC Judge John Voltaire Venturina, noong Hunyo 29.

Ayon sa matatanda ng bayan, minahal at tinangkilik ang lolo ni Tupe na si dating Mayor Gabriel Daus na nanungkulan noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., mula 1964-1971 at 1979-1986.

ABOGADO

MAYOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with