Bayan ng Rodriguez, balik na sa dating ‘Montalban’ sa Rizal

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang dekada, naresolba na ang kalituhan ng mga residente sa Rizal matapos na ibalik na sa da­ting “Montalban” ang pangalan ng bayan ng “Rodriguez” sa naturang lalawigan.

Ayon kay 4th District Rizal Rep. Fidel Nograles, malaking bagay at mahalaga ito para sa mga mamamayan ng Rizal.

“Sa wakas, ma­reresolba na ang ilang dekadang kalituhan na dala ng isyung ito. Republic Act No. 11812 now puts a stamp of authority on the widely-accepted practice of calling our town Montalban, and ourselves, Montalbeños,” ayon kay Nograles na isang abogado.

Ang House Bill (HB) 8899 na una nang isinulong ni Nograles
ay naglalayong ibalik ang Rodriguez, Rizal sa luma, orihinal o dati nitong pangalan na “Montalban” kung saan isinumite ito sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 2 at napagtibay bilang batas.

Ayon kay Nograles, ang bayan ng Montalban ay isa sa may pinakamaraming populasyon sa buong Pilipinas na nasa 443954 base sa census noong 2020. Itinatag ang Montalban sa lugar kung saan nagmula ito sa salitang bundok na tumutukoy sa maraming mga kabundukan sa nasabing lugar.

Magugunita na noong 1982 ay pinalitan ang ba­yan ng Montalban bilang Rodriguez bilang pagpupugay sa yumao nang si dating Senate President Eulogio Rodriguez na tubo sa naturang munisipalidad.

Show comments