^

Probinsiya

Pampasaherong barko nasunog: 1 patay, 163 nasagip

Doris Franche, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pampasaherong barko nasunog: 1 patay, 163 nasagip
Ang pampasaherong barko (kaliwa) na nilalamon ng apoy habang naglalayag sa karagatang sakop ng Bohol patungong Bato, Leyte kahapon ng hapon. Nasa 163 sakay nito (kanan) na nakalutang sa dagat ang nasagip ng mga rumespondeng rescuers sakay ng mga motor banca malapit sa lugar at ibang tropa ng pamahalaan.
Courtesy: Shane Mebelle Besin, Anthony Rañoa Aniscal/TheFreeman

Habang naglalayag patungong Leyte

MANILA, Philippines — Isa ang patay habang isa ang nawawala at nasa 163 katao pa ang nasagip matapos masunog ang isang pampasaherong barko sa karagatang sakop ng Bohol habang patungong Leyte kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), dakong ala-1 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa MV Mama Mary Chloe habang nasa karagatang sakop ng Tugas Island sa Brgy. Tugas at Tilmobo Island sa Brgy. Tilmobo, pawang sa bayan ng Carlos P. Garcia sa Bohol.

Nakita na tumatalon ng barko ang mga pasahero kabilang na ang mga bata para makatakas sa nasusunog na barko.

Agad namang ru­mesponde ang mga rescuers sakay ng mga bangka na nasa bisi­nidad lang kung kaya mabilis na nasagip ang mga nakalutang sa tubig na mga pasahero.

Ayon sa PCG, may sakay na walong tripulante at 157 pasahero kabilang ang 15 na bata ang barko na nagmula sa Ubay, Bohol at patungong Bato, Leyte. Hindi naman overloaded ang barko dahil may kapasidad ito na 236 pasahero.

Nasa ligtas nang kalagayan ang 163 katao na sakay ng barko habang patuloy ang search and rescue operation ng BRP Cabra (MRRV-4409) katuwang ang mga tauhan ng PCG Sub-Station Bato para sa nawawalang pasahero.

“Naging mabilis ang pag-rescue sa mga crew at pasahero sa tulong ng mga motorbanca na naglalayag sa katubigan nang maganap ang insidente,” ayon sa PCG.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang sanhi ng “fire onboard incident.”

BARKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with