Harap ng City Hall sa Lamitan, pinasabog!

Sinabi ni Brig. General Domingo Gobway, commander ng Joint Task Force (JTF)-Basilan bandang alas-6:30 ng gabi nang maganap ang pagsabog sa exit area ng Lamitan City Hall at front gate sa Brgy. Maganda.
File

MANILA, Philippines — Nagulantang ang mga residente at empleyado ng Lamitan City Hall matapos sumambulat ang isang improvised explosive device (IED) sa harap ng natu­rang City Hall sa Basilan kamakalawa ng gabi, ayon sa Philippine Army.

Sinabi ni Brig. General Domingo Gobway, commander ng Joint Task Force (JTF)-Basilan bandang alas-6:30 ng gabi nang maganap ang pagsabog sa exit area ng Lamitan City Hall at front gate sa Brgy. Maganda.

Nasira ang tubo ng tubig at bahagyang nawasak ang pader ng city hall dahil sa pagsabog pero wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Lumitaw sa imbestigasyon na bago ang pagsabog, dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na lulan ng motorsiklo ang nakitang nag-iwan ng bag sa loob ng compound ng city hall at pagkatapos ay mabilis na pinaharurot ang kanilang motorsiklo.

Dahil dito, lalo pang pinahigpit ang seguridad sa mga matataong lugar sa Lamitan para hindi na maulit ang kaparehong insidente. Wala pa ring grupo na umaako sa nasabing pagpapasabog.

Show comments