Mt. Bulusan patuloy ang pag-aalburoto: 5 pagyanig, 865 toneladang abo ibinuga
MANILA, Philippines — Nagtala ng limang volcanic earthquake ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagyanig sa bulkan ay bahagi pa rin ng pag-aalboroto nito.
Bukod sa volcanic quakes, nagluwa ang bulkan ng 865 toneladang abo na may taas na 200 metro na napadpad sa kanluran timog kanlurang bahagi ng bulkan.
Dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Mt. Bulusan, nananatiling nasa Alert Level 1 ang status sa bulkan.
Pinapayuhan ang mga residente doon na manatiling mag-ingat at maging alerto at huwag papasok sa loob ng 4 kilometer radius permanent danger zone dahil sa banta ng biglaang pagputok ng bulkan o preatic explosion.
Bawal pa rin ang paglipad ng anumang aircraft o eroplano malapit sa tuktok ng naturang bulkan.
- Latest