Kapitan, 2 iba pa kinasuhan sa pag-iingat ng mga baril at bala
SANTIGAO CITY, Isabela, Philippines — Pormal nang sinampahan ng kaso ang isang barangay chairman kasama ang dalawang iba pa matapos masamsaman ng malalakas na kalibre ng baril at mga bala sa Barangay Buyon, Cauayan City, ayon sa ulat kahapon.
Ayon kay P/Lt. Scarlet Tupinio, Information Officer ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), tuluyan ng sinampahan ng kaukulang kaso sina Barangay Kapitan Jessie Eder Sr., 61; mga anak na sina Rogie Eder, Jessy Eder Jr., at Rogie Eder, 40, pawang mga residente ng Barangay Buyon.
Matatandaan na nakuha mula sa tahanan ng mga suspek sa isinagawang raid ang tatlong caliber 45, isang caliber 22, isang gauge 12 shotgun, isang caliber 38, isang grenade launcher at iba’t ibang uri ng mga bala.
Ang paghalughog sa bahay at pagkadakip sa mga suspek ay isinagawa ng mga awtoridad sa bisa ng Search Warrant na inilabas ni Hon. Reymundo Aumentado, Executive Judge ng Regional Trial Court Second Judicial Region Cauayan City.
- Latest