MANILA, Philippines — Isang spy plane ng Philippine Air Force (PAF) ang bumagsak habang nasa himpapawid ng Cagayan de Oro (CDO) kamakawala ng hapon.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maynard Mariano, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon upang matukoy ang dahilan ng pagbagsak ng Hermes 900 drone.
Batay sa ulat ng PAF, bandang alas-9:30 ng umaga kamakalawa nang mag-take off ang Hermes 900 drone sa Lumbia Airport para magsagawa ng functional check flight.
Matapos ang isinagawang check flight, bigla na lamang bumagsak mula sa taas na 10,000 talampakan ang drone sa isang taniman.
“At around 11:46 a.m., communications with the UAV was cut. All emergency procedures were performed and Field Service Representatives were called for troubleshooting,” pahayag ng PAF.
Walang sibilyan na naiulat na nasugatan bagama’t may mga ari-arian umano ang napinsala.
Nabatid na gawa ang Hermes 900 drone ng isang Israeli company.