^

Probinsiya

Kapitan, 15 pa arestado sa ‘tupada’

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Kapitan, 15 pa arestado sa ‘tupada’
Ang mga nahuling sabungero habang nagtutupada kasama si Brgy. Chairman Mars Libang matapos ang isinagawang raid ng pulisya sa Brgy. San Miguel, Alaminos, Laguna.
Ed Amoroso

LAGUNA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang isang kapitan ng barangay at 15 pang sabungero matapos silang mahuling nagtutupada sa ikinasang pagsalakay sa bayan ng Alaminos, dito sa lalawigan, ayon sa isang opisyal kahapon.

Sinabi ni Col. Cecilio Ison Jr., Laguna police director, si Mars Libang, 63-anyos, tserman ng Barangay San Miguel, at 15 pang katao ay naaktuhang nagsasagawa ng illegal cock fighting o tupada sa isinagawang raid ng pulisya.

Kinilala ang iba pang naaresto na sina Edcel Sahagun, Nelson De Rama, Gregorio Malabuyoc, Jhon Mike Dominguez, Mike Joshua Toling, Oscar Manalo, Jhon Albert Hular, Steven Ram Cangas, John Borg Gaspay, Rico James Castillo, Reden Marcelino, Raymond Manalo, Jo­shua Enovidad, Andy Luna, at Prisco Manalo, pawang residente ng Alaminos, Laguna.

Nakumpiska ng mga pulis sa naturang grupo ang dalawang buhay na manok na panabong, dalawang tari na nasa plastic bag at ang P3,300 bet money.

Sinabi ni Ison na nakatanggap ng tip ang local police kaugnay sa lantarang pagsasagawa ng illegal na sabong sa bisinidad ng barangay na ang pasimuno ay mismo umanong tserman ng Barangay San Miguel.

Ang 16 na suspek ay kakasuhan ng paglabag sa P.D. 1602 o “illegal gambling” habang ieendorso ng PNP sa Department of Interior and Local Government in Alaminos ang paghahain ng administrative case laban sa naturang barangay chairman.

TUPADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with