^

Probinsiya

PNR sa Lucena-San Pablo, muling aarangkada

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
PNR sa Lucena-San Pablo, muling aarangkada
Patuloy ang konstruksyon ng natitirang bahagi ng Lucena-San Pablo kasama ang natitirang bahagi ng PNR Bicol na nag-uugnay sa Metro Manila at mga lalawigan sa Southern Luzon.
STAR/File

LUCENA CITY , Philippines — Aarangkada na muli sa buwan ng Hunyo ang Lucena-San Pablo stretch ng Philippine National Railways (PNR) bago matapos ang administras­yong Duterte.

Patuloy ang konstruksyon ng natitirang bahagi ng Lucena-San Pablo kasama ang natitirang bahagi ng PNR Bicol na nag-uugnay sa Metro Manila at mga lalawigan sa Southern Luzon.

“Habang malapit nang magtapos ang administrasyong Duterte, sinabi ni Secretary Arthur Tugade sa sambayanang Pilipino na hindi magsasayang ng kahit isang araw sa trabaho. Walang oras para mag-relax kahit hanggang sa huling araw ng opisina,” pahayag ng DOTr sa Face­ book page nito.

Sa oras na muling buksan, ang linya ng Lucena-San Pablo ay mababawasan ang oras ng pagbiyahe sa papunta ng San Pablo, Laguna at Lucena, Quezon ng isang oras at 30 minuto.

Makatutulong ang pagbubukas ng linya ng PNR sa pagpapalakas ng ekonomiya ng mga lalawigan at mga karatig na lugar.

Ito ay bahagi ng 560-kilometrong PNR Bicol na nakatakdang maging operational sa 2027.

Ang PNR Bicol ay magkakaroon ng 35 istasyon at tatakbo mula sa Maynila sa pamamagitan ng Laguna, Quezon, Camarines Sur, Albay, isang extension line sa Sorsogon, at isang branch line sa Batangas.

PNR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with