^

Probinsiya

3 sundalo sugatan sa engkwentro sa Sulu            

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong sundalo ng 100th Infantry Battalion ng Joint Task Force (JTF) ang iniulat na nasugatan matapos nilang makaengkuwentro ang teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Tumatangis, Indanan, Sulu kamakalawa.

Ayon kay Major Ge­neral Ignatius Patrimonio, commander ng JTF-Sulu, nangyari ang engkuwentro alas-11 ng umaga ng Linggo matapos na rumesponde ang mga tropa sa naturang lugar sa sumbong ng mga residente tungkol sa presensya ng mga terorista.

Nagpakalat ng ka­ragdagang sundalo sa lugar para tugisin din ang mga nagsitakas na Abu Sayyaf na mga tauhan umano ni ASG leader Radullan Sahiron.

Gayunman, agad na sinalubong ng putok ng mga bandido ang tropa ng mga sundalo sa naturang lugar sanhi ng sagupaan na tumagal ng 30 minuto.

Sa naturang bakbakan, tatlong sundalo ang nasugatan hanggang sa magsi­pulasan ang teroris­tang grupo.

Agad namang isinugod sa ospital ang tatlong sundalo na hindi pa pinangalanan na kapwa nasa “stable” na umanong kondisyon.

TJF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with