MABINI, Davao de Oro, Philippines — Iprinoklama kamakalawa si Father Emerson Luego ng Diocese of Tagum sa pagkapanalo nito bilang alkalde ng bayang ito.
Si Luego, na tumakbo sa ilalim ng PDP-Laban, ay nakakuha ng 11,419 boto sa kanyang tatlong nakalaban.
Ang kanyang pinakamahigpit na kalaban ay si incumbent Mayor Reynaldo Dayanghirang na miyembro ng Hugpong ng Pagbabago regional party, ay nakakuha lang ng 10,210 boto.
Batay sa batas ng simbahan, ang sinumang pari na papasok sa pulitika ay sususpendihin ang kanilang pagiging pari.
Nabatid na noong 2009, si Luego ay dating tumakbong alkalde sa Sto. Tomas, Davao del Norte, subalit natalo.
Dalawa pang pari na tumakbo sa katatapos na halalan ay sina Fr. Emmanuel Alparce ng Diocese of Sorsogon ay nanalong konsehal ng Boracay at Fr. Granwell Pitapit, na tumakbong mayor sa Camarines Sur ay natalo.