^

Probinsiya

Pari nanalong mayor sa Davao De Oro

Pilipino Star Ngayon

MABINI, Davao de Oro, Philippines — Iprinoklama kamakalawa si Father Emerson Luego ng  Diocese of Tagum sa pagkapanalo nito bilang alkalde ng bayang ito.

Si Luego, na tumakbo sa ilalim ng PDP-Laban, ay nakakuha ng 11,419 boto sa kanyang tatlong nakalaban.

Ang kanyang pinakamahigpit na kalaban ay si incumbent Mayor Reynaldo Dayanghirang na miyembro ng Hugpong ng Pagbabago regional party, ay nakakuha lang ng 10,210 boto.

Batay sa batas ng simbahan, ang sinumang pari na papasok sa pulitika ay sususpendihin ang kanilang pagiging pari.

Nabatid na noong 2009, si Luego ay da­ting tumakbong alkalde sa  Sto. Tomas, Davao del Norte, subalit natalo.

Dalawa pang pari na tumakbo sa katatapos na halalan ay sina Fr. Emmanuel Alparce ng Diocese of Sorsogon ay nanalong konsehal ng   Boracay at Fr. Granwell Pitapit, na tumakbong mayor sa Camarines Sur ay natalo.                                                                            

EMERSON LUEGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with