Construction site gumuho sa Antipolo, obrero dedo

Dead-on-arrival sa Cabading Hospital ang biktima na si John Lester Sangatanan, dahil sa pinsalang tinamo dulot ng pagguho ng lupa.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang obrero ang patay nang maguhuan ng lupa sa pinagtatrabahuhan niyang construction site sa Antipolo City kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Cabading Hospital ang biktima na si John Lester Sangatanan, dahil sa pinsalang tinamo dulot ng pagguho ng lupa.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa construction site ng Flood Control Riprap Project, na matatagpuan sa Sitio Pangulurin, Brgy. San Jose, Antipolo City.

Ayon kay Rodirick Olivarez, foreman ng biktima, kasalukuyang nagtatrabaho si Sangatanan at gumagawa ng riprap sa pader ng isang creek sa lugar, nang bigla na lang gumuho ang lupa doon.

Natabunan umano ng lupa ang biktima kaya’t kaagad siyang ni-rescue ng kanyang mga kasamahan at dinala sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot pang buhay.

Show comments