3 kasapi ng BPAT todas sa gun attack ­

Nakilala ang  mga nasawi na sina Misuary Dimapalao, Sajid Kamama, at Tata Bulilo, habang sugatan naman ang  kanilang kasamahan na si Jadid Ulangkaya.
STAR/ File

Karahasan sa araw ng halalan

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong mi­yembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek habang nakabantay sila sa ginaganap na halalan kahapon ng umaga sa harap ng  isang  paaralan sa  Buluan, Ma­guindanao.

Nakilala ang  mga nasawi na sina Misuary Dimapalao, Sajid Kamama, at Tata Bulilo, habang sugatan naman ang  kanilang kasamahan na si Jadid Ulangkaya.

Sa inisyal na ulat na nakarating ng 16th Military Intelligence Company, naganap ang insidente bandang alas-7:25 nang umaga nang paulanan ng bala ng mga sakay ng dalawang pu­ting van ang mga biktima na naka-duty sa Pilot Elementary School.

Matapos ang  pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sinasabing ang mga biktima ay taga-suporta ni Mayoral aspirant Babydats Mangudadatu ng Buluan, Maguindanao.

Kabilang ang Buluan, Maguindanao sa 24 bayan na nasa ilalim ng Comelec control dahil na rin sa mga banta sa  seguridad.

Tiniyak naman ng militar na nakaalerto  sila  sa anumang  untowards incidents sa panahon ng  bilangan ng  mga boto.

Show comments