9 preso pumuga sa Rizal jail
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Siyam na inmates na karamihan ay nahaharap sa kasong droga ang tumakas mula sa kanilang custodial facility sa Binangonan Rizal nitong Sabado.
Kinilala ng Binangonan Police ang mga pumuga na sina Jefferson Santuyo, 40; Jason Francisco, 41; Edward Borja, 22, Jonel Prudenciado, 32; Noel Guilardo, 45; pawang nahaharap sa drug offenses, maliban kay Alex Anorico, 27, na may kasong “theft”. Sila ay patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.
Samantala, ang preso na si While, Bryan Poras, 35; Joseph Picadizo, 22, at Rolly Anas, 38, na kasama sa 9 na inmates na tumakas ay agad na nadakip sa ikinasang hot pursuit operation ng pulisya sa Binangonan at iba pang komunidad.
Sa ulat, ang jail break ay naganap sa male custodial facility bandang alas-4 ng madaling-araw noong Sabado. Nakarinig umano si Patrolman Carl Tablante ng komosyon mula sa male custodial at isa sa mga preso ang sumigaw ng -- “Sir may tumatakas.”
Lumalabas sa imbestigasyon na binaklas ang metal grills mula sa concrete wall sa likod ng naturang piitan at umakyat sa bubong saka tumakas ang 9 na preso patungong Manila East Road sa Barangay Calumpang, Binangonan.
Dahil dito, mabilis na tinugis ng pulisya ang mga tumatakas kaya muling nadakip ang tatlo.
Bumuo na ang pulisya ng tracker team na siyang maghahanap sa anim pang pugante.
- Latest