^

Probinsiya

5 bata naligo sa lawa ng Taal: 2 patay!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
5 bata naligo sa lawa ng Taal: 2 patay!
Nagkasa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) upang mahanap at masagip ang tatlo pang nawawalang bata sa katubigan ng Taal Lake.
STAR/File

PCG patuloy ang search and rescue ops

MANILA, Philippines — Dalawang bata ang patay habang tatlo pa ang nawawala matapos silang maligo sa lawa ng Taal sa Batangas kahapon.

Nagkasa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) upang mahanap at masagip ang tatlo pang nawawalang bata sa katubigan ng Taal Lake.

Sa impormasyon mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Balete, sinabi ng PCG na natagpuan na kahapon ang dalawa sa limang bata na nawawala mula sa Barangay Sto. Toribio sa Lipa City, matapos silang magtungo sa lawa para maligo.

May edad ang mga paslit na 12, 10, 7 at dalawang walong taong gulang subalit hindi pa tinukoy ng PCG kung sino sa lima ang narekober ang mga bangkay.

Bukod sa paghahanap sa tubig, nagsasagawa rin ng “surface search” ang PCG kasama ang mga tauhan ng MDRRMO Balete at mga lokal na opisyal sa mga kanugnog na lugar sa pag-asang nataboy ang mga batang nawawala sa baybayin.

Dalawang divers ang pinakilos ng PCG Special Operations Group-Southern Tagalog para magsagawa naman ng patuloy na “underwater search”.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->