Almarinez di nagpatinag sa mga black propaganda

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni Dave Almarinez na tuloy-na-tuloy ang kanyang laban bilang kinatawan ng ­unang distrito sa Laguna matapos magsilabasan ang mga animo’y black propaganda laban sa kanya.

“Wala nang makakapigil sa pagbabagong dala ng inyong lingkod. Huwag tayong maniwala sa mga isyu na walang basehan na pilit nilang pinupukol sa atin. Tuloy ang aking laban para sa bawat isang mamamayan ng San Pedro,” ani Almarinez.

Hinimok din ni Almarinez ang kanyang mga taga-suporta na ituloy lang ang positibong pangangampanya hanggang makamit ang panalo sa halalan nitong darating na Mayo a-nwebe.

“Ang resulta ng botohan ay siyang huhubog sa kinabukasan ng mga mamayan ng San Pedro. Piliin natin ang tama. Piliin natin ang totoo. Piliin natin ang tunay na may malasakit sa taong-bayan. Piliin natin si Dave Almarinez,” dagdag nito.

Naging instrumento si Almarinez sa pagbibigay ng donasyon ng 20,000 Moderna vaccine para mabilis ang pagbabakuna sa mga residente ng San Pedro.

Nagbigay din siya ng 10 dialysis machine na napapakinabangan ng libu-libong residente ng Laguna. Aktibo rin ang mag-asawang Dave at Ara Mina sa pagbibigay tulong sa mga taga-San Pedro sa kasagsagan ng pandemya.

Show comments