Recto, umatras sa pagtakbo sa pagka-governor sa Batangas
BATANGAS, Philippines — Dalawang linggo bago ang nalalapit na halalan sa Mayo 9, umatras sa kanyang pagtakbo sa pagka-gobernador ng lalawigang ito si Richard “Ricky” Recto, ang nakatatandang kapatid ni Senator Ralph Recto at bayaw naman ni 6th District Rep. Vilma Santos-Recto.
Personal na nagsadya si Ricky sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC)-Batangas pasado alas-4 ng hapon si Recto nitong Biyernes para magsumite ng notarized “statement of withdrawal” sa kanyang kandidatura.
Ang nakababatang Recto, isang independenr candidate ay makakalaban sana sa pagka-gobernador sina incumbent Batangas Gov. Hermilando Mandanas (PDP-Laban), dating Padre Garcia Mayor Prudencio “Dacio” Gutierrez (NPC) at Praxedes Bustamante (Independent).
“Yes I did (withdraw). Nowadays sa panahong ito dahil digital na ang halalan maaga nagpa-file ang lahat. ‘Di naman makakasama, hindi naman ilegal so minarapat kong mag-file and I obviously have my own intentions for doing so and we’re good, ok na ako so it’s time to pull out,” pagkumpirma ni Ricky Recto sa isang panayam.
Wala pang malinaw na paliwanag si Ricky sa talagang dahilan ng pag-atras nito.
- Latest