CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang miyembro ng gun-for-hire ring at high value target list ang naaresto sa isang buy-bust sting,Barangay Cuta Central, Batangas City.
Ayon kay Col. Glicerio Cansilao, Batangas police director na si Jessie Gumban, alias Bakol, 26, ay hindi lamang contract killer kundi supplier din ng illegal drugs at nasamsam dito ang mga walang lisensyang baril.
Ang pagkaaresto suspek ay batay sa sumbong mga concerned citizens, kaya agad na isinagawa ang buy-bust.
Nakumpiska rin kay Gumban ang nasa 13.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P91,000.