136,300 katao apektado ng bagyong 'Agaton'; Patay sa Davao bineberipika
MANILA, Philippines — Sumipa na sa daanglibong katao ang naaapektuhan ng pananalasa ng Tropical Depression Agaton sa Visayas at Mindanao, na dahilan na rin ng pagtungo ng libu-libong pamilya sa loob ng mga evacuation centers.
Vina-validate pa ngayon ang tig-isang patay at nawawala sa Davao Region habang kumpirmado naman daw ang dalawang sugatan sa Northern Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Lunes.
- Apektadong populasyon: 136,390
- Lumikas na nasa evacuation centers: 13,049
- Lumikas na wala sa evacuation centers: 25,485
Ilan sa mga nakatikim ng hagupit ng bagyong "Agaton" ang:
- Western Visayas
- Central Visayas
- Eastern Visayas
- Northern Mindanao
- Davao Region
- SOCCSKSARGEN
- CARAGA
- Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
Aabot naman sa 49 kabahayan ang bahagyang nasira ng nasabing sama ng panahon sa ngayon habang tatlo naman ang wasak na wasak.
Tinatayang nasa 874,000 halaga ng pananim naman ang napinsala sa ngayon sa SOCCSKSARGEN at BARMM.
Binaha nang husto ang ilang lugar sa Baybay City sa Leyte, dahilan para malubog ang mga kabahayan at establisyamento.
#AgatonPH Situation earlier this afternoon in Brgy. Hipusngo, back of DPWH. #BaybayNeedsHelp pic.twitter.com/wmV6jeN1Ik
— Discover Baybay City (@discoverbaybay) April 10, 2022
#AgatonPH Minahal Kita Native Restaurant submerges in flood as Pagbanganan River, the biggest in #BaybayCity overflows. pic.twitter.com/UEyn2hpKyC
— Discover Baybay City (@discoverbaybay) April 10, 2022
Sa kabila ng lahat ng ito, nakapagbigay na ng nasa 2.15 milyong halaga ng pagkain sa mga naapektuhan ng bagyong "Agaton" sa CARAGA.
Kasalukuyang nasa ilalim ng Signal no. 1 ang 11 lugar buhat ng naturang bagyo, habang naghahanda naman ang bansa sa pagpasok ng Severe Tropical Storm Malakas (int'l name) mamayang gabi, na nakikitang magiging typhoon din mamaya. — James Relativo
- Latest