Motor salpok sa center island, rider dedo

CAVITE MANILA, Philippines — Kahit na naka-helmet, hindi pa rin nailigtas ang buhay ng isang 36-anyos na rider makaraang tumilapon ito mula sa kaniyang minamanehong motorsiklo matapos sumalpok sa center island ng flyover kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Daang Hari Road Brgy. Anabu 2-D, Imus City.

Dead-on-the-spot matapos magkalasug-lasog ang biktima na nakilalang si Elgie Nstulla Tilus, 36-anyos, rider at residente ng Brgy. 193, Pasay City.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Wilfred Guevarra, alas-12:04 ng madaling araw, habang minamaneho ng biktima ang kaniyang Yamaha Mio at bumabagtas sa flyover ng Daang Hari Road at may kabilisan ang patakbo nang aksidente itong sumalpok sa cen­ter island.

Sa tindi ng impact, lumipad patilapon ang biktima na napuruhan sa ulo sa pagbagsak nito sa kalsada.

May mahigit sa kalahating oras pa bago naitakbo sa Ospital ng Imus ang biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Show comments