^

Probinsiya

65-anyos tigok sa sakal at sabunot ng magtiya

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
65-anyos tigok sa sakal at sabunot ng magtiya
Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Domingo Samarita Sales, Jr., ng Block 1, Lot 14, ng nasabing barangay.

CAVITE, Philippines — Masaklap na kamatayan ang inabot ng isang 65-anyos na lolo matapos siyang pagtulu­ngang sakalin at sabunutan ng magtiya kasunod ng kanilang mainitang pagtatalo sa Brgy. San Dionisio, Dasmariñas City, kamakalawa.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Domingo Samarita Sales, Jr., ng Block 1, Lot 14, ng nasabing barangay.

Arestado naman ang mga suspek na sina Arlene Marilao Bongato, 53-anyos at pamangkin nitong si Jim Bongato Bautista, 23; kapwa ng nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Richard Domingo, may hawak ng kaso, alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Block 1, Lot 14, Brgy. San Dionisio habang nagtatalo ang biktima at mga suspek.

Nauwi umano sa sigawan at murahan hanggang sa mapikon ang magtiya kung kaya pinagtulungan na nila ang biktima. Pinagsusuntok sa ulo at sinakal ni Bautista ang matanda habang walang humpay namang sinasabunutan ni Arlene ang nasabing biktima.

Hindi tinigilan ng da­lawa ang lolo hanggang sa lupaypay na bumagsak sa lupa. Nagawa pa siyang isugod sa ospital subalit patay na nang ida­ting doon.

Agad namang na­aresto ang magtiya na nahaharap sa kasong pagpatay.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang ugat ng pagtatalo ng biktima at mga suspek na nauwi sa bugbugan.

KRIMEN

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->