^

Probinsiya

Kelot sinalvage sa ‘love triangle’

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna MANILA, Philippines — Malaki ang hinala ng pulisya na “love triangle” ang motibo ng pagpatay sa isang 24-anyos na lalaki na ang bangkay ay natagpuang nakahandusay sa isang kalsada sa Brgy. Malabanban, Candelaria, Quezon.

Ayon kay P/Lt. Col. Arnulfo Selencio, hepe ng pulisya ng bayang ito na ang katawan ng  bangkay  ng biktimang si Alexander Forbes, 24, ay nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at tama ng mga bala na nadiskubre sa kahabaan ng Brgy. Road, Sitio Pinang Ulingan ng isang Emman Garcia, noong Miyerkules ng gabi.

Lumalabas pa sa ulat na ang biktima ay naaresto noong 2016 sa droga at ini­lagay sa kustodiya ng social welfare dahil siya ay menor de edad pa lamang noon.

Pinagsususpetsahan ng pamilya ng biktima na ang pagkamatay nito ay may posibleng kinalaman sa pakikipagrelasyon nito sa isang babae na mayroon ng asawa.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa mister ng asawa ng karelasyon ng biktima.

ARNULFO SELENCIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with