^

Probinsiya

2 nakagapos na bangkay, lumutang sa dagat

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 nakagapos na bangkay, lumutang sa dagat
Agad inilibing dahil nangangamoy at naaagnas na ang mga bangkay ng hindi pa nakikilalang mga biktima na ang isa tinata­yang may taas na 5’5” hanggang 5’7”, nakasuot ng strifed t-shirt, kulay abuhing shorts habang 5’3” hanggang 5’5” naman ang isa pa na nakasuot ng checkerd na short.
STAR/File

SAN ANDRES, Catanduanes, Philippines — Dalawang lalaki na kapwa nakagapos ang natagpuan habang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Brgy. Manambrag ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Agad inilibing dahil nangangamoy at naaagnas na ang mga bangkay ng hindi pa nakikilalang mga biktima na ang isa tinata­yang may taas na 5’5” hanggang 5’7”, nakasuot ng strifed t-shirt, kulay abuhing shorts habang 5’3” hanggang 5’5” naman ang isa pa na nakasuot ng checkerd na short.

Sa ulat, pasado alas-3 ng hapon ay nagulat ang mga residente nang makita ang mga biktima na palutang-lutang sa karagatan habang parehong nakagapos ang mga kamay at paa.

Halos umabot ng tatlong oras bago nakuha ng retrieval team mula sa San Andres Municipal Police Station, NDRRMO-San Andres at Philippine Coastguard ang bangkay ng dalawang biktima.

Nakitaan ang dala­wa ng mga sugat sa magkabila nilang hita at pinaniniwalaang dalawang araw nang patay.

Pansamantalang inilibing muna sa San Andres Catanduanes Cemetery ang mga bangkay habang ina­alam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with