^

Probinsiya

Rider nasiraan ng motor, dedo sa salpok ng pickup

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Rider nasiraan ng motor, dedo sa salpok ng pickup
Dead-on-arrival sa Imus Doctors Hospital ang biktima na nakilalang si Randy Kabaya Paredes, residente ng Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City habang hawak na ng pulisya ang nakabanggang driver na si Michael Vibal, ng Pasong Buaya 2, Imus City, pawang sa Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 30-anyos na motorcycle rider makaraang suyurin ng isang pickup truck habang kinukumpuni nito ang nasirang sasakyan kamakalawa ng gabi sa Daanghari Road sa Brgy Pasong Buaya 2, Imus City.

Dead-on-arrival sa Imus Doctors Hospital ang biktima na nakilalang si Randy Kabaya Paredes, residente ng Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City habang hawak na ng pulisya ang nakabanggang driver na si Michael Vibal, ng Pasong Buaya 2, Imus City, pawang sa Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Wilfred Guevarra, dakong alas-8:30 ng gabi habang naka-stop ang biktima sakay ng kanyang Microbike motorcycle sa kahabaan ng Daang Hari Road, Pasong Buaya 2, nang biglang pumalya at magloko ang sasakyan nito.

Dahil dito, gumilid ang biktima saka ti­ningnan ang nasirang motorsiklo. Habang inaayos ang nasirang motorsiklo ay bigla na lamang siyang inararo ng rumaragasang Isuzu pick-up truck (PSG-442) na minamaneho ni Vibal.

Nahaharap sa kasong reckless Imprudence resulting in homicide ang nasabing driver ng pickup.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->