^

Probinsiya

Sorsogon nakiisa sa International Women’s Day

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakibahagi ang probinsya ng Sorsogon sa global community sa selebrasyon ng International Women’s Day 2022 na may temang “Gender equality today for a sustainable tomorrow.”

Sinabi ni Sorsogon Governor at dating Sen. Chiz Escudero na nakikiisa sila sa lahat ng Pilipino sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso na nakatutok sa “Agenda ng Kababaihan, Tungo sa Kaunlaran” sa ilalim ng pangkalahatang tema para sa 2017-2022 na “We Make Change Work for Women.”
“Kahit may mga nakamit na tayong makasaysayang tagumpay sa mga nakalipas na taon pagdating sa gender equality at women empowerment, hindi pa rin natatapos ang ating trabaho dahil patuloy nating isusulong ang pagkakaroon ng isang makataong lipunan na lilikha ng mga pantay na oportunidad para sa lahat nang hindi nakabase sa kasarian, estadong panlipunan, paniniwalang pangrelihiyon, at kinaaanibang politika,” wika ni Escudero.

Sa pagdiriwang sa buong Marso ng National Women’s Month, pinapurihan ni Escudero ang lahat ng kababaihang Pilipino sa kanilang kontribusyon sa pagtataguyod ng nasyon. Base datos ng Philippine Statistics Authority, mayroong 54.6 milyong kababaihan o halos kalahati ng bilang ng buong 110 milyong populasyon ng bansa. Hindi natin maipagkakaila na ang ating mga kababaihan ay tunay ngang katuwang sa pagsasaayos ng ating bansa.

“Noong 14th Congress (2007-2010), isa ako sa mga senador sa pagsasabatas ng Republic Act 9710 o ang “Magna Carta of Women.” Nagsulong din tayo ng mga panukala na naglalayong bigyang-kapangyarihan, protektahan, at isulong ang mga karapatan ng kababaihan, na kasamaang-palad, ay hindi naaksiyunan noong 16th at 17th Congress,” dagdag ni Escudero.

CHIZ ESCUDERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with