‘No contact visitation’ sa jail sa Davao region, ipinatupad
MANILA, Philippines — Ipinatupad na nitong Sabado ang “new normal visitation” sa mga inmates o preso ng ilang jail facilities sa Davao region.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology, ipinatupad na nito ang “no contact visitation” sa mga inmates ng Tagum City Jail-Male Dormitory, Tagum City Jail-Female Dormitory, Digos City District Jail-Male at Female Dormitories, Panabo City District Jail, at Montevista District Jail sa naturang rehiyon.
Nilinaw ng BJMP na ang pagdalaw ay naka-schedule depende sa dormitoryo ng mga preso.
Kailangan pa ring ipatupad ang limitasyon sa bilang ng mga dadalaw.
Tinitiyak din ng BJMP na sumailalim ang lahat ng mga bisita sa health safety protocols at searching procedures para iwas sa hawahan ng COVID-19 at masigurong walang naipupuslit na ipinagbabawal na droga at ibang kagamitan.
- Latest