Nahuling walang helmet, ‘wanted’ sa murder

BATANGAS, Philippines — Kalaboso ang isang lalaking “wanted” sa kasong murder matapos masita sa isang checkpoint dahil sa walang suot na helmet sa Ibaan, Batangas Huwebes ng hapon

Kinilala ang suspek­ na si Ronilo Gallego­, Rank No. 5 na “wanted person” sa Police Regional office (PRO)-4A at PRO 6 sa kasong murder. 

Ayon sa report, pi­nara sa police checkpoint si Gallego sa Brgy. Ta­laibon, Ibaan, Batangas dahil walang suot na helmet­ bandang alas-3:11 ng hapon. 

Iprinisinta naman ni Gallego ang kanyang driver’s license sa mga pulis, pero napansin nila na peke ang lisensya nito kaya iniimbitahan siya sa kanilang istasyon.

Sa beripikasyon ng pulisya, napag-alamang­ may nakabinbin palang warrant of arrest si Gallego mula kay Presiding Judge Dyna Doll Chiongson-Trocio ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 40 ng Silay City. 

Naiisyu ang natu­rang­ warrant noon pang Hulyo 1, 2014 na walang inirekomendang kaukulang piyansa. 

Show comments