4 bebot sa ‘Sangla-Sasakyan modus’ tiklo
CAVITE, Philippines — Apat na magkakasabwat na kababaihan ang inaresto matapos nilang biktimahin ang isang pulis sa modus na “Sangla-Sasakyan” sa ikinasang entrapment operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Langkaan 2. Dasmariñas City.
Pawang nahaharap sa kasong “estafa through falsification of public do-cuments” ang mga suspek na sina Ana Cathrina Tenorio Paule, Mary Joy Reyes Patente, kapatid nitong si Joan, at Analiza Sy Milan; pawang taga-Dasmariñas City.
Sa ulat ni P/Cpl. Roderick C Bajado, alas-10:30 ng gabi nang magtungo ang apat na babae sakay ng kulay gray na SUV (Toyota Fortuner) na may plate number NDK6636 sa bahay ng police officer na si Christian James Ramos Murphy ng Langkaan 2, Dasmariñas City. Kinausap nila ang naturang pulis at isinasangla ang dalang sasakyan na may mga dokumento.
Nagsabi naman ang pulis na kukunin niya ang sasakyan at magwi-withdraw lang siya ng pera. Pero lingid sa kaalaman ng mga suspek, nagtungo na siya sa Dasmariñas Police upang suriin ang mga papeles ng sasak-yan at dito lumalabas na hindi pag-aari ng isa man sa apat na suspek ang sasakyan.
Dito na nagplano ng entrapment ang pulisya sa pangunguna ni P/Captain Ric Russel Oñate matapos maki-pagkasundo ang biktima sa mga suspek na magkita at magbayaran sa Citihomes Subd., Brgy. Langkaan 2.
Nang matanggap ng mga suspek ang boodle money, agad silang inares-to at narekober sa kanila ang SUV na nakarehistro sa isang Nerissa De Guzman Yuson, iba’t ibang driver’s license, mga papeles ng sasak-yan at ang perang gamit sa transaction.
- Latest