^

Probinsiya

Pahiyas Festival sa Lucban tuloy na

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCBAN, Quezon, Philippines — Matapos na matengga ng halos dalawang taon dahil sa pandemya, ma­kakapagdaos na muli ng pamosong San Isidro Pahiyas Festival ang bayang ito.

Nakakuha ng clea­rance sa Department of Tourism (DOT)-Tourism Promotion Board ang Local Government Unit (LGU) upang idaos ang San Isidro Pahiyas Fes­tival 2022.

Sa bisa ng Resolution No. 01-2022 ng Pahiyas Executive Committee ay muling idaraos ang ating Festival na magsisimula ngayong May 10, 2022 hanggang May 20, 2022.

Bukas para sa lahat ng mga fully vaccinated individual at magkakaroon ng online registration para sa mga bisita na nais sumaksi ng Pahiyas ngayong taon. Mahigpit ding ipapatupad ang minimum health Protocol.

Nabatid na dahil sa mataas na antas at percentage ng fully vaccinated individual, tinanghal ang Lucban bilang No.1 sa buong Region 4-A at lalawigan ng Quezon pagdating sa inoculation at vaccination at dahilan din sa patuloy na pagkamit ng zero CO­VID-19 cases bawat araw at mababang bilang­ ng positive cases.

PAHIYAS FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with