^

Probinsiya

‘Mistaken identity’ sa ambush sa Negros Occidental: 3 todas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
âMistaken identityâ sa ambush sa Negros Occidental: 3 todas
Sa report ng San Carlos City Police, idineklarang dead-on-the-spot ang mga biktima na sina Andre Fajardo, 18, ng Ylagan extension, Brgy. 6; Russel Bucao, 40, ng Urban Phase 1, Brgy. Rizal; Rudy Dela Fuente, 51; pawang sa San Juan Baybay, San Carlos City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sinisilip na ng pulisya ang anggulong “mistaken identity” sa pananambang sa apat katao na ikinasawi ng tatlo noong Linggo sa San Carlos City, Negros Occidental.

Sa report ng San Carlos City Police, idineklarang dead-on-the-spot ang mga biktima na sina Andre Fajardo, 18, ng Ylagan extension, Brgy. 6; Russel Bucao, 40, ng Urban Phase 1, Brgy. Rizal; Rudy Dela Fuente, 51; pawang sa San Juan Baybay, San Carlos City.

Ginagamot naman sa ospital si Renante Chui, 27, ng Brgy. 6, San Carlos City, matapos masugatan sa insidente.

Kinukumpirma ng mga awtoridad ang kinalaman ng isang nagngangalang “Iraq” na siyang may-ari umano ng kulay puting kotse na Mazda 3 na sinakyan ng mga biktima.

Lumilitaw na sangkot  umano sa  illegal na droga si Iraq.

Ayon kay San Carlos City Police deputy chief Lt. Ruby Aurita, alas-10 ng umaga habang papunta ang mga biktima sa sabungan lulan ng nasabing sasakyan nang pagbabarilin ng apat na hindi kilalang lalaki sa liblib na Hacienda Villa Lina, Brgy. Palampas.

Narekober sa crime scene ang 58 basyo ng bala ng 5.56mm assault rifle.

RUDY DELA FUENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with