Army official na ‘most wanted’ arestado sa kasong ‘rape’

Kinilala ang suspek na si 1st Lt. Christian Hacutina Bahillo, 30-anyos, binata, residente ng Brgy. Badian, Oas, Albay at nakatalaga sa Special Forces Battalion ng Philippine Army sa Brgy. Langhub, Patikul, Sulu.
File

DARAGA, Albay, Philippines — Kalaboso ang isang opisyal ng Philippine Army na itinuturing na “most wanted person” ng bayang ito dahil sa kasong panggagahasa sa menor-de-edad matapos na mahuli sa Fort Maysaysay sa Palayan City, Nueva Ecija kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang suspek na si 1st Lt. Christian Hacutina Bahillo, 30-anyos, binata, residente ng Brgy. Badian, Oas, Albay at nakatalaga sa Special Forces Battalion ng Philippine Army sa Brgy. Langhub, Patikul, Sulu.

Sa ulat, dakong alas-12:45 ng tanghali sa tulong ng Palayan City Police at Nueva Ecija Police Provincial Office, bitbit ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Jose Pocholo Del Rosario ng Family Court Branch 2 ng Daraga RTC, ay nilusob ng mga kasapi ng Daraga Municipal Police Station ang nasabing opisyal sa Fort Magsaysay.

Ayon sa impormasyon ng Police Regional Office (PRO) 5 sa pangu­nguna ni regional director Brig. Gen. Jonel Estomo, maayos namang sumama ang tinyente na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 7610 o anti-child abuse at 4-counts of rape.

Show comments