^

Probinsiya

5.3 magnitude na lindol niyanig kalugaran ng Occidental Mindoro

James Relativo - Philstar.com
5.3 magnitude na lindol niyanig kalugaran ng Occidental Mindoro
Satellite image ng Abra de Ilog, Occidental Mindoro mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Nakatikim ng 5.3 magnitude na lindol ang epicenter na Abra de Ilog, Occidental Mindoro, Lunes, dahilan para maramdaman ito ng ilang lugar sa kapuluan ng Luzon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang pag-uga ng lupa bandang 3:22 p.m. ngayong araw, at sinasabing "tectonic" ang pinagmulan nito.

Ilan sa mga nakaranas ng Intensity III (weak) dulot ng lindol ang Puerto Galera, Oriental Mindoro habang Intensity II (slightly felt) lang ito sa Quezon City, patuloy ng Phivolcs kanina.

"Kapag tinignan po natin sa mapa, halos nasa may katubigan na po siya," ayon kay Paolo Sawi, Science Research Assistant ng Phivolcs, sa panayam ng dzBB kanina.

"Meron din po kaming mga Intensity III na nakuha po along Batangas po."

"Ang possible source po ng lindol po na 'to, ang tinitignan namin is 'yung Manila Trench po, since malalim po siya."

Isinasantabi pa naman ng state volcanologists ang posibilidad na may kinalaman sa aktibidad ng Bulkang Taal ang nasabing paggalaw ng lupa.

Bagama't wala pang inaasahang pinsala mula sa nasabing earthquake, posibleng makaranas ng mga susunod na mas mahihinang lindol (aftershocks) kaugnay ng 5.3 magnitude na pagyanig.

Kahit na halos nasa katubigan ang pinagmulan ng lindol, walang inilabas na tsunami warning ang Phivolcs kaugnay ng nasabing insidente.

EARTHQUAKE

OCCIDENTAL MINDORO

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with