^

Probinsiya

2 namimili ng baboy pinagbabaril, patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 namimili ng baboy pinagbabaril, patay
Kapwa napuruhan ng punglo sa katawan ang mga biktimang sina Jomarie Etomay Sr., 51, residente ng naturang lugar at Jomar Aloquin Estoya, 35, residente ng Brgy. Banco.
STAR/File

MALANAS, Masbate, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang mamimili ng baboy matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang gunmen sa Brgy.Salvacion, Palanas ng lalawigang ito kamakalawa ng umaga.

Kapwa napuruhan ng punglo sa katawan ang mga biktimang sina Jomarie Etomay Sr., 51, residente ng naturang lugar at Jomar Aloquin Estoya, 35, residente ng Brgy. Banco.

Sa ulat, alas-11:30 ng umaga ay lulan ng tricycle ang dalawang biktima at naglilibot sa barangay para mamili ng baboy nang biglang harangin ng hindi nakilalang mga armado.

Sa hindi malamang dahilan ay walang ka­abug-abog na pinagba­baril ang mga biktima na agarang nasawi.

Nakuha ng mga ru­mespondeng pulis sa lugar nang pamamaril ang limang basyo ng bala ng kalibre 45 baril.

vuukle comment

BIKTIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with